2 buntis na former NPA, inalagaan ng 23rd IB

Sa Butuan City, isang dating New People’s Army (NPA) amazon na nasa pangangalaga ng military mula nung Mayo, ay nagluwal ng kanyang unak anak sa ospital sa bayan noong Oktubre 9.

Ang 18-anyos na si “Ka Wena” ay tatlong buwan nang buntis nang ma-rescue ng mga sundalo ng 23rd Infantry Battalion (23rd IB) nakaraang May 16 sa barangay Guinabsan, Buenavista, Agusan del Norte, ayon sa 23rd IB Civil Military Operations (CMO) Offcier First Lt. Roel T. Maglalang.

Kasama ni Ka Wena ay isa pang buntis na NPA amazona na kinikilala bilang “Ka Apay”.

Mula noon, ang mga kasamahan sa 23rd IB ang nangalaga sa dalawa sa kanilang headquarters.

Nanatili sina Ka Wena at Ka Apay sa Masigasig Happy Home ng 23rd IB kung saan sila ay binantayan at tinulungan ng mga non-commissioned officers sa kanilang ultrasound, pre-natal, at iba pa para masiguro na maipapanganak nilang malusong ang kanilang mga anak.

“The unit also made sure that they can avail of all the assistance and benefits offered by the givernment for the former rebels,” sabi ni Maglalang.

You might also like
Comments
Loading...