CHR iniimbestigahan ang ambush sa Samar

Inutusan ng Commission on Human Rights ang itong opisina sa Eastern Visayas para imbestigahan ang ambush noong October 7 sa Jiabong, Samar kung saan nasaktan ang isang pulis at dalawang guro.

Ayon kay Spokesperson Jacqueline de Guia, iimbestigahan rin ng CHR ang pagpatay sa isang sundalo at ang ambush na pumatay sa isang tribal leader sa Surigao del Sur, na pinaniniwalaang isinagawa ng komunistang New People’s Army.

“No ideology can justify these senseless violations on the right to life. The disproportionate and brutal manner of attacks by an armed group also violates the international humanitarian law,” sabi nito.

Si Pat. Ace Denver Aharuddin ng Pinabacdao Municipal Police Station at mga guro na sina Erixon Gacumo at Realy del Rio ay nasugatan, kasama ang dalawang sibilyan, nang ang mga armadong lalaki ay nag-stage ang atake gamit ang land mines.

Sakay ng passenger van ang dalawang guro nang nangyari ang insidente.

Ang CHR Caraga naman, ay iimbestigahan ang pagkamatay ni Ariel GuinsoD Maca, miyembro ng 36th Infantry Battalion at ng isang Manobo, sa Lanuza, Surigao del Sur noong October 3. Nagkamit ang sundalo ng ilang gunshot wounds, torture marks, kasama na ang pagkaka-flat sa mukha nito at paghugot ng kanyang mga mata.

You might also like
Comments
Loading...