Komunistang rebelde, sinunog ang makinarya ng isang agri-company

Mga armadong lalaki ang pinaniniwalaang komunistang rebelde ang nagsunong ng apat na makinarya na pagmamay-ari ng isang agricultural company mula sa Claveria town, Misamis Oriental province, ayon sa isang military report.

Ayon sa ulat ni First Lt. Jefferson Mariano, ang spokesperson ng 58th Infantry Battalion, tatlong dump trucks at isang bus na pagmamay-ari ng Del Monte Philippines Inc. ay sinunog ng mga pinaghihinalaang miyembro ng New People’s Army sa Sitio Talambao sa Barangay Bulahan, Claveria.

Nangyari ang pag-atake dalawang araw matapos ang pagpatay sa Lianga, Surigao del Sur, ng isang anticommunist tribal leader na konektado sa pagpatay ng mga lumad leaders at isang executive director ng isang lumad school noong 2015.

Ayon kay Maj. Mindalano, public information chief ng military Eastern Mindanao Command, 15 NPA rebels ang umatake sa motorcycle convoy ni Hawudon Jomar Bucales, indigenous peoples mandatory representative ng Lianga noong October 4. Dalawa sa kasamahan ni Bucales ang sugatan.

Na-tag bilang lider ng Mangahat-Bagani paramilitary group na pinaghihinalaang nasa likod ng pagpatay kay Emerito Samarca, ang executive director ng Alternative Learning Center for Agriculture and Livelihood Development, at ang lumad leaders na sina Dionel Campos at Datu Bello Sinzo sa Diatagon, Surigao del Sur, limang taon na ang nakalipas.

You might also like
Comments
Loading...