Kumander Bravo abandons conflict; calls for unity, lasting peace

Isang dating pinuno ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na namuno sa mga pag-atake sa bayan ng Kauswagan ng Lanao del Norte, ay nagsabi na ayaw na niya ng hidwaan at hinimok ang lahat na magtulungan upang makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.

Sumali po ako sa BARMM (Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao) kasi ayaw ko na po ng away. Wala namang naghahangad talaga ng away, Muslim man o Christian. Kailangan na pong magkaisa ng mga Muslim,” pahayag ni Abdullah Goldiano Makapaar alias Kumander Bravo, sa 23rd Qur’an Reading Competition in Brgy. Delabayan, Kauswagan, Lanao del Norte on Dec. 28.

Ang sabi po ng Chief Minister, ang BARMM government, hindi lang po para sa BARMM. Tutulungan din po ang outside ng BARMM para po sa kapayapaan ng Muslim at Kristiyano dito sa Mindanaolalo na po dito sa Lanao del Norte,” dagdag pa.

Masaya naman ang mga Muslims dito sa Lanao del Norte. Ngayon lang po kami nakaranas ng magandang pamumuhay dahil bumalik si Mayor Arnado. Nawala na po ang gulo. Nagkakaisa na ang mga Muslims at Christians. Iyon din po ang hinahanap namin, na mawala na ang gulo para maibalik na natin ang kapayapaan.

Sana ang gobyerno at mga LGU, tumulong din sa mga Muslim at Christian dito sa community natin sa Lanao del Norte, sa pamamagitan ng pagtatayo at pag-aayos ng aming mga madrasah, mosque, at pagpapabuti ng edukasyon.

Iangat natin ang edukasyon, palakihin natin ang sweldo ng mga Alim at UstadGastusan ng gobyerno iyong mga batang hindi makapag-aral at iyong mga nag-aaral ng Arabic

Maraming mga batang lumalaking magnanakaw at kriminal dahil hindi nakapag-aral. Kaya sana mapabuti pa ang edukasyon para sa kanilang kinabukasan.”

You might also like
Comments
Loading...