Lider ng NPA sa Zamboanga del Sur sumuko sa otoridad

Ang squad lider ng New People’s Army (NPA) ay sumuko sa militar sa Zamboanga Del Sur.

Ayon sa Western Mindanao Command (WestMinCom), ang 29-anyos na pinuno ng NPA na si Marino Daano Anlas, a.k.a. Victor / IP Man, residente ng Barangay Bagumbayan, Sergio Osmeña sa Zamboanga Del Norte.

Si Brigadier General Leonel Nicolas, kumander ng 102nd Infantry Brigade, ay nagsabing si Anlas ay pinuno ng 1st squad na gumagalaw sa Zamboanga Peninsula.

Ayon kay WestMinCom kumander Lieutenant General Corleto Vinluan Jr., ang pagsuko ni Anlas ay naganap sa pamamagitan ng pagsisikap ng Joint Task Force ZamPeLan na pinamunuan ni Major General Generoso Ponio.

Inanunsyo umano ni Anlas na sumuko na siya dahil sa paghihirap na kanyang tiniis at mga nabigong pangako ng NPA.

You might also like
Comments
Loading...