Nag-graduate sa TESDA ang 145 na dating rebelde

Matagumpay na nagtapos sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang 145 na mga dating rebelde sa Sitio Ibuan, Bgy. Mampi, Lanuza, Surigao del Sur.

Ang TESDA Mass Graduation na ito ay kauna-unahang graduation sa ilalim ng binuong Poverty Reduction Livelihood Employment Cluster (PRLEC) ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) bilang bahagi ng paglutas sa local communist armed conflict na isinusulong ng Duterte administration.

“Ikinalulugod natin ng lubos ang gawaing ito – kauna-unahan ito sa buong bansa – dahil sa muling pagkakataon ay nanguna na naman ang CARAGA Region. Salamat sa kooperasyon at pakikipagtulungan ng mga ahensya at mga komunidad,” pahayag ni Karlo Nograles

Nagpasalamat naman ni Governor Pimentel ang mga residente ng Sitio Ibuan gayundin ang mga opisyal ng Barangay lalo na sa kanilang Kapitan na dating rebelde na nagbalik loob sa pamahalaan dahil sa pakikiisa at pakikipagtulungan ng mga ito sa mga programa ng gobyerno.

You might also like
Comments
Loading...