NPA lider at mga miyembro ng BIFF, sumuko

Isang squad leader ng New People’s Army (NPA) mula sa Zamboanga Peninsula ay sumuko sa Tukuran, Zamboanga del Sur nakaraang Biyernes.

Ayon kay Brig. Gen. Leonel Nicolas, ang 102nd Infantry Brigade commander, si Marino Anlas, 29 anyos mula sa Sergio Osmeña town, ay sumuko sa isang personnel ng intelligence unit ng Joint Task Force ZamPeLan.

Sa Maguindanao, anim na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang sumuko sa mga sundalo ng 40th Infantry Battalion.

Si Lt. Gen. Corleto Vinluan, Western Mindanao Command chief, ay nagsabi na ang mga BIFF members na sina Rogial Talusan, Omar Talusan, Talusan Manalasal, Sangutin Kabilan, Bin Bantingkal, at Montasir Kanao, ay nagsuko ng dalawang Garand rifles, isang rocket-propelled grenade, isang Barrett, at isang M79 grenade launcher.

Ang mga sumuko ay nasa proseso ng custodial debriefing sa 401st Brigade headquarters sa Barangay Tual, President Quirino, Sultan Kudarat.

You might also like
Comments
Loading...