Suspek sa pagpatay sa mayor, pinatay!

Ang pinaghihinalaang mastermind sa kidnapping at pagpatay ng isang mayor at ng kanyang anak, ay namatay sa isang joint police at military operation sa Cebu City nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ang suspek bilang si Denis Rodinas. Umano’y naglaban si Rodinas nang aarestuhin na ito ng mga awtoridad sa Barangay Pong-ol Sibugay, Cebu City.

Si Rodinas, isang wanted New People’s Army (NPA) Guerilla, ay na-tag sa pagpatay kay former mayor Dario Otaza ng Loreto, Agusan del Sur at ng kanyang anak na si Daryl Otaza.

Nangyari ang pagpatay sa Butuan City limang taon na ang nakalipas, ayon kay Major Eduardo Precioso Jr., ang public information officer ng Central Command ng military.

Comments
Loading...